Bumisita ang Malaysian delegates sa lungsod ng Zamboanga upang talakayin ang mga potensyal na kolaborasyon sa pagitan ng bansang Malaysia at Pilipinas sa ilalim ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Technical Vocational Education and Training (TVET) Human Resource Development Programs nito lamang Oktubre 29, 2024.

Bilang bahagi ng kanilang pagpunta sa Pilipinas, nagsagawa ng courtesy visit ang nasabing delegasyon sa tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, kamakailan upang pagtibayin ang BIMP-EAGA TVET programs.

Itinuturing na isang napakahalagang oportunidad ang naturang pagpupulong dahil pinagtitibay nito ang ugnayan sa pagitan ng Zamboanga City at ng Sarawak, Malaysia at nabibigyan din ng pagkakataon na tuklasin ang posibleng partnerships sa mga programa ng TVET.

Binubuo ang nasabing delegasyon ng mga kinatawan mula sa Ministry of Education, Innovation and Talent Development Sarawak (MEITD), Ministry of International Trade, Industry and Investment Sarawak (MINTRED), at ng Sarawak Skills.

Kinikilala ang lungsod ng Zamboanga bilang ‘gateway’ sa BIMP-EAGA dahil sa lapit nito sa Sabah, Malaysia, Brunei Darussalam, at Indonesia.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *