Nasakote ang isang lalaki sa kasong paglabag sa RA 9262 o mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok Acacia Brgy. Sumadat, Dumalinao Zamboanga del Sur nito lamang ika-28 nito lamang Oktubre 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Wal”, 45 anyos, lalaki at residente ng Purok Kalinis Brgy. Pag-asa, Dumalinao Zamboanga del Sur.

Mahaharap ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa sec.5 (A,B,I) ng Republic Act 9262 sa ilalim ng criminal Case Number 17963-2k24, 17964-2k64 at 17965-2k64 na may inirekomendang piyansa na Php2,000.00 para sa (Sec 5A), Php120,000.00 naman sa (5B) at Php72,000.00 para sa (5I).

Masigasig ang PNP sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *