Matagumay na idinaos ang Job Fair kasabay ng pagdiriwang ng Iligan City Business Month at Information Communication and Technology Month sa Gaisano Mall, Iligan City nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ito ng Public Employment Service Office o (PESO) katuwang ang Department of Labor and Employment, ang Job Fair na dinaluhan ng mga ahensya tulad ng PhilHealth, TESDA, Department of Migrant Workers, Social Security System at Overseas Workers Welfare Administration.

Mahigit 20 na mga employer ang dumalo sa nasabing aktibidad, na kung saan ang bawat isa ay nangangailangan ng maraming job seekers na aakma sa kwalipikasyon sa trabaho. Saad ni Ceferino V. Sanchez Jr., ang Head ng ng City Human Resource Management Office, na malaking tulong ang pagkakaroon ng Job Fair sa mga naghahanp ng trabaho dahil mas madali ang pagproseso sa pag-apply at makapili pa ng trabaho.

Pinasalamatan rin nya ang mga ahensya na dumalo sa nasabing aktibidad na patuloy na sumusuporta sa Public Employment Service Office o PESO. Dumalo rin ang Presidente ng Iligan Chamber of Commerce na si Mr. Reggie Punongbayan, at nagpaabot ng mensahe para sa mga job seekers na kailangang maging kumpyansa sa pakikipag-usap sa mga employers para makapagbigay ng magandang impresyon.

Layunin ng ganitong uri ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga Iliganon ng opurtunidad at magkaroon ng legal na trabaho na pagkakakitaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *