Bilang pagbibigay halaga sa buhay sa kabila ng pagkakulong, ipinagdiwang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang 30th National Correctional Consciousness Week at 37th Prison Awareness Week nito lamang Oktubre 29, 2024.
Ang naturang selebrasyon ay inorganisa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Davao Oriental Provincial Rehabilitation and Reformation Center o tinatawag ring Davao Oriental Provincial Jail. Kabilang sa mga aktibidad sa okasyong ito ang Videoke Challenge, Medical at Dental Mission na nagbigay ng libreng konsultasyon para sa mga pangangailangan sa kalusugan.
Nagsagawa rin ng mga parlor games, Zumba, at Biblical Role Play Competition.
Higit sa lahat, nagkaroon din ng espiritwal na interbensyon tulad ng Confession, Holy Mass, at Gift Giving, na nagpahiwatig ng pag-asa at bagong simula.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, ang Davao Oriental Provincial Jail ay nagtataguyod ng positibong pananaw sa hinaharap para sa mga PDLs, kung saan tinitiyak na lahat ay may dagdag na pagkakataon para sa bagong buhay.