Namahagi ng Senior Citizen Birthday Gift Incentive ang Local Government Unit ng General Santos City sa KCC Convention Mall, General Santos City nito lamang ika-30 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Pacquiao, katuwang ang iba pang kawani ng LGU GenSan. Ang pamamahagi ng Senior Citizen Birthday Gift Incentive ay para sa nagdiwang ng kaarawan sa buwan ng Oktubre.

Isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay suporta at pagkilala sa mga senior citizen, bilang pagpapakita ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa bawat mamamayan at sa mga nakatatanda na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga nakababatang henerasyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *