Bilang selebrasyon sa National Hospital Week ng Camiguin General Hospital, ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng Fun Run nito lamang Agosto 9, 2023.
Ang naturang Fun Run ay magsisimula sa Camiguin General Hospital at madadaanan ang Public Market, Lagundi, Ferrabel, at babalik at magtatapos sa Administartion Building ng CGH.

Idineklara si Sweet Princess Dagondon na nanalo sa 39 below ng women’s category, habang si Philip Bulawin ay nakuha ang first prize sa 39 below sa men’s category, at si Aljie Santiago ay nakuha ang first place para sa open category sa kalalakihan.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa upang palakasin ang ating resistensya at malabanan ang anumang uri ng sakit.