Ipinagmamalaki ng Northern Mindanao ang kakaibang luto sa kinilaw.
Ang Sinuglaw ay pinaghalong sinugba at kinilaw na dalawang pagkaing karaniwan sa panlasa ng mga Pilipino.
Ang Sinugba ay inihaw na tiyan ng baboy (pork belly) habang ang kinilaw (ceviche-style) ay hilaw na isda, kadalasang tuna, na binabad sa suka at citrus juice.
Kakaiba ang kinilaw sa Mindanao dahil sa suwa at tabon-tabon na nilalagay dito.
Ang Tabon-tabon ay isang tropikal na prutas na tumutubo Mindanao na mukhang โchicoโ.
Ang citric acid mula sa prutas at suka ay dahan-dahang niluluto ang hilaw na isda.
Ang mga ilan pa sa mga sangkap nito ay ang berdeng sibuyas, pulang paminta, luya, shallots, sili at pipino.