Isa sa mga etnikong sayaw na nagmula sa Maranao ay ang Singkil na sinasayaw ng Maranao Prince at Maranao Princess na nagmula sa Lanao del Sur, Mindanao.

Ito ay isinasagawa gamit ang mahahabang mga kawayan, dito ay kasama ng babaeng mananayaw na may suot magarbong damit at pamaypay ang lalaking may dalang espada at kalasag.

Sa mga tunog, mula sa mga mahahabang kawayan kasabay nito ang mabagal na pagsayaw ng dalawang mananayaw na babae at lalaki na hinahalintulad sa kwentong epiko nila Prinsipe Bantugan at Prinsesa Gandingan ng mga tao sa Lake Lanao.

Ang Singkil Dance ay karaniwang isinasagawa ng isang babaeng na may dekorasyon ang mga kasuotan ng mga katutubo mula sa probinsya ng Lanao del Sur, Mindanao.

Sa paglipas ng panahon ito ay nagsalin-salin na sa iba’t ibang bersyon at interpretasyon, ang singkil dance na tinatanghal ng Bayanihan Folk Dance Group.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *