Naging benepisyaryo ang 50 kabataan mula sa Padre Pio Home for Children, na nasa ilalim ng pangangalaga ng AJC Sisters sa Gift-Giving Activity na isinagawa ng Davao City Police Office noong ika-16 ng Nobyembre, 2024.

Ang programang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 2024 National Children’s Month na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting the Children, Creating a Safe Philippines!”.

Ang temang ito ay nagsusulong ng isang malakas na mensahe tungkol sa kahalagahan ng proteksyon at kaligtasan ng mga bata mula sa anumang uri ng karahasan, at ang layuning makamit ang isang ligtas na kapaligiran para sa kanilang paglaki.

Nagbigay ng malaking kasiyahan sa mga bata ang mga isinagawang parlor games at magic show.

Ipinakita naman ng mga bata ang kanilang galak sa pamamagitan ng mga awit at sayaw bilang pag-welcome sa mga bisita.

Bukod pa rito, ang mga food packs at meryenda na ipinamahagi ng mga tauhan ng Davao City Police ay nagmula sa mga mamamayan ng Lungsod ng Davao.

Ang mga donasyon na ito ay hindi lamang nagsilbing pagkain at kaligayahan sa mga bata, kundi pati na rin isang patunay ng malasakit at suporta ng komunidad para sa mga nangangailangan, lalo na ang mga batang walang sapat na resources.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *