Cotobato – Sumuko ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga awtoridad sa Brgy. Ladtingan, Pikit Cotabato nito lamang ika-18 ng Agosto 2023.

Napag-alaman na ang tatlong sumuko ay dating miyembro ng BIFF-Karialan Faction at pawang mga residente ng Brgy. Manaulanan, Pikit, Cotabato.

Batay sa kwento ng tatlong sumuko, hindi na nila kinaya ang hirap sa patuloy na pagtatago sa bundok lalo’t nakararanas sila ng gutom, pagod, at takot sa kanilang buhay.

Napag-alaman na isinuko din nila ang kanilang armas na dalawang yunit ng Grenade Rifle at isang Homemade Cal. 30 Barret Sniper.

Patuloy naman ang gobyerno sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng komunistang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at magsimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *