Isinagawa ng Local Government Unit ng Kidapawan City ang pagbibigay ng seminar para sa mga operator at driver ng tricycle sa lungsod nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.
Magkatuwang ang City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB) at ang Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU) sa pagbibigay impormasyon sa seminar.
Mandatory requirement sa renewal ng Permit to Operate ng mga tricycle ang seminar patungkol sa mga batas trapiko para sa ligtas at maayos na pagbyahe sa mga lansangan.
Paulit ulit itong ginagawa ng CTFRB at TMEU dahil tila nakakalimutan na ng iilang driver ang kanilang obligasyon at responsibilidad sa kanilang mga pasahero gayundin ang ligtas at tamang pagmamaneho sa daan.
Hanggad ng seminar na ito ay upang makaiwas sa disgrasya ang mga tricycle driver at magkaroon pa ng sapat na kaalaman sa batas trapiko.