Ang Home for Girls (HFG) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay masiglang ipinagdiwang ang ika-27 Anibersaryo ng pagkakatatag nito kasabay ng National Children’s Month.

Ang temang “Basagin ang Paglaganap, Wakasan ang Karahasan: Pangalagaan ang Kabataan, Lumikha ng Ligtas na Pilipinas!” ay nagsilbing gabay sa mga gawain at mensahe ng pagdiriwang.

Ang programa ay punong-puno ng makabuluhang aktibidad na nagbigay-diin sa proteksyon at karapatan ng mga bata.

Kabilang dito ang isang misa, pagbabasbas ng pasilidad, at masayang mga larong parang nasa perya na nagbigay aliw sa mga kalahok.

Isa rin sa mga tampok ay ang sabayang pagbibigkas ng Panatang Makabata, isang panata na naglalayong itaguyod ang karapatan ng kabataan.

Sa espesyal na araw na ito, binigyang pagkilala ang mga indibidwal at organisasyong walang sawang sumusuporta sa adbokasiya ng proteksyon sa mga bata.

Muling ipinakita ang mahalagang papel ng bawat miyembro ng lipunan sa pagbubuo ng isang ligtas at maayos na kinabukasan para sa mga kabataan.

Isa sa mga pinakanakaaantig na bahagi ng selebrasyon ay ang talumpati ni “Alias Annie,” isang dating residente ng HFG na ngayon ay isang ganap na rehistradong social worker.

Ang kanilang patuloy na paglingap at pagtulong ay isang inspirasyon para sa lahat na maging bahagi ng pagbabago.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *