Umarangkada ang 18 araw na kampanya upang wakasan ang Violence Against Women o VAW ng LGU Kidapawan City sa Kidapawan City nito lamang ika-28 ng Nobyembre 2024.
Naging Resource Person ng Programa si Kidapawan City Prosecutor Fiscal Romeo G. Rodrigo III, kasama din sa aktibidad ang mga representante mula sa Department of Interior and Local Government, City Social Welfare and Development Office, Barangay- VAWC Desk, Kidapawan City PNP, Department of Education at ang samahan ng Men Opposed Violence Everywhere.
Tinalakay ang mga paksa sa Gender Sensitivity, RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” at RA 11930 o “Anti Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Sexual Abuse or Exploitation Materials”.
Layunin nito na magkaroon ng sapat na kaalaman at bigyang diin ang lahat ng pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan sa kamay ng kanilang mga asawa, karelasyon at kapamilya gayundin ang mga parusang kaakibat nito.