Dinomina ng mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team ang kanilang mga kalaban matapos maging Overall Champion sa katatapos na boxing competition ng 2024 Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa, Palawan na nagsimula noong Nobyembre 23 hanggang Nobyembre 29, 2024.

Ayon sa ulat ni Elmer Pamisa, Team CdeO Boxing Head Coach ay matagumpay na nasungkit ng nine-man Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team ang dalawang (2) ginto, dalawang (2) pilak at tatlong (3) tansong medalya sa national sports competition na inorganisa ng Philippine Sports Commission.

Ang dalawang gintong medalya ay nakuha nina Lemmuel James Payla (boys 38-40kgs), at Jobert Abragan (boys 40-42kgs), habang ang dalawang silver medals ay nakuha nina Ivan Llaban (junior boys 46kgs), at Mery Joy Canoy (junior girls 54kgs); ang tatlong bronze medalists ay sina Er Johnlee Caballero (junior boys 44-46kgs), Chris Gabriel Caranay (junior boys 48kgs), at Steven Mancia (junior boys 54kgs). Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Coach Pamisa sa matinding suporta ng administrasyon ni Mayor Klarex Uy sa tulong ng City Sports Development Office sa ilalim ng City Sports Coordinator Allby Cris ‘Beng’ Waga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *