Matagumpay na naisagawa ang Rido Settlement ng dalawang pamilyang Polayogan Tanog at Balindong mula sa Bayan ng Pualas, Lanao del Sur na ginanap sa Brgy Maligo, Pualas, Lanao del Sur noong ika-30 ng Nobyembre 2024. Ang naturang aktibidad ay sinuportahan ni Basher Ibrahim, RD DPWH R12; Taha Tanjie Macapodi, Board Member ng Ikalawang Distrito; Casser Amerol, Pualas COMELEC; Hon.Cabib Tanog, Alkalde ng Pualas; Hon. Amen Balindong, Alkalde ng Picong; Hon. Tony Tanog, Bise Alkalde ng Pualas at Hon. Alem Saidamebln Salic; at aktibong dinaluhan ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng LDS PPO, kasama si Police Lieutenant Colonel Alpasher Haber, Force Commander ng 2nd Lanao del Sur Provincial Mobile Force Company.


Layunin ng rido settlement ay upang tuldukan ang alitan o hidwaan sa pagitan ng mga pamilyang sangkot, pagkamit ng kapayapaan, pagkakasundo at pagtutulungan, at pagpapatibay ng pagsang-ayon sa anumang mga napagkasunduan. Sa tulong ng PNP at suporta ng mga mamamayan ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang maibalik ang tiwala, kapayapaan, at kaayusan sa komunidad.