Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa sa lalawigan ng Davao Oriental sa paggunita ng ika-161 na anibersaryo ng kaarawan ni Andres Bonifacio nito lamang Nobyembre 30, 2024, isang araw na itinataguyod ang alaala ng isang bayani na nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa kalayaan ng bansa.


Pinangunahan ni Gobernador NiƱo Uy, ang okasyon at itinutok ang mensahe ng kabayanihan, sakripisyo, at malasakit para sa bayan.
Aniya, ang pagdiriwang na ito ay isang paalala na ang kalayaan ay isang mahalagang yaman na nararapat pangalagaan at pagyamanin sa pagtutulungan ng lahat.
Ang selebrasyong ito ay hindi lamang isang pagkakataon para magdiwang, kundi isang pangako na magpapatuloy ang diwa ng kabayanihan at pagmamahal sa Pilipinas.