Idinaos sa Cagayan de Oro City ang kasaysayan bilang unang lokal na pamahalaan sa Mindanao na naging host ng Milo Marathon finals nito lamang ika-1 ng Disyembre 2024.

Ayon kay Carlo Sampan, Chief ng Milo Sports, “Ito ang unang Milo Marathon finals sa Mindanao, at kami ay excited na maganap ito sa Cagayan de Oro City.”

Ang marathon ay may mga kategoryang 5km, 10km, 15km, at 21km. Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga runners na ipakita ang kanilang galing.

Ang mga nagwagi ay sina Richard Salaño, ang Milo King, at Christine Hallasgo, ang Milo Queen. Nagtapos sila sa oras na 2:55:29 at 2:59:29, at tumanggap ng ₱60,000 at tropeyo at magsisilbing kinatawan ng Pilipinas sa Sydney Marathon.

Ang kaganapan ay nagpamalas ng Cagayan de Oro bilang isang hub ng mga major sporting events. Pinapakita nito ang pag-usbong ng lungsod bilang pangunahing destinasyon para sa mga atleta.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *