Matagumpay na idinaos ang 1st National Volunteer Expo sa Centrio Ayala Mall, Cagayan de Oro City nito lamang ika-3 ng Disyembre 2024. Dinaluhan ang nasabing programa ani Mayor Klarex Uy, Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency na pinanguluhan ni Executive Director Donald James D. Dawe, Gender and Development, PNVSCA, Ayala foundation at iba pang mga stakeholders.
Isinagawa din ng Volunteer Expo ang blood donation drive na ‘Dugong Kagay-anon Year 2’ kasama ang Philippine National Redcross Misamis Oriental – Cagayan de Oro Chapter. Nag-sponsor din ang Public Employment Service Office at City Anti-Drug Abuse Division – Oro Wellness ng ‘Uswag Opportunities’ job and opportunity fair kung saan lumahok ang 10 lokal na employer at 2 ahensya sa ibang bansa.
Layunin ng programa na isulong ang bolunterismo sa Cagayan de Oro at sa buong bansa, na nagpapakita ng mahalagang papel ng mga boluntaryo sa pagtulong at pagpapabuti ng lipunan.