Mahigit 1,000 empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental ang nagtipon-tipon nito lamang ika-10 ng Disyembre upang sama-samang ipagdiwang ang kanilang Christmas Party na pinamagatang “Paskong Paghiusa sa Kapitolyo: Denim and White Holiday Blues Christmas Party”.

Simple man ang naging pagtitipon ngunit ito ay hindi maipagkakailang makahulogan sapagkat ito rin ay nagsilbing pagdiriwang sa mga tagumpay na nakamit ng probinsya para sa bawat isa sa buong taon. Taos-pusong pinasalamatan naman ni Gobernador NiƱo S. Uy, ang lahat ng empleyado sapagkat ang susi sa maayos at mahusay na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa publiko.

Ang kanilang dedikasyon ang patuloy na magsusulong tungo sa kaunlaran ng buong lalawigan at mga residente nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *