Ang Communal Ranch ng Impasugong, Bukidnon ay isa sa mga sikat na tourist spotsng Hilagang Mindanao na kilala bilang “Home of the Country’s Finest Cowboys” na matatagpuan sa Impasug-ong Bukidnon na may sukat na 642 ektarya.
Isa sa mga pangunahing atraksyon ng lugar ay ang natural na tanawin nito.
Ang lugar ay napapalibutan ng malinis na hangin, luntiang pastulan, at tanawin ng mga bundok tulad ng Mount Kitanglad.
Ang kaakit-akit na tanawin ng Communal Ranch ay may “New Zealand” vibe dahil sa kakaiba at napakagandang hugis ng mga bundok.
Maari ring mag-aliw ang mga turista sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng horseback riding, trail riding, hiking, at iba pang outdoor activity.
Ang Communal Ranch ng Impasug-ong ay higit pa sa isang simpleng pasyalan. Ito ay isang lugar kung saan pinagsasama ang kasaysayan, kultura, at kalikasan upang magbigay ng kakaibang karanasan sa mga turista.