Matagumpay na isinagawa ang isang PNP-TESDA Livelihood Program para sa Persons Who Use Drugs (PWUDs) na ginanap sa Galas Barangay Hall, Galas, Dipolog City noong Sabado, ika-23 ng Nobyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Dipolog City Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Edwin D Verzon, Chief of Police, katuwang ang mga opisyal ng barangay at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Layunin ng aktibidad na bigyan ng bagong pag-asa ang mga PWUDs sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay sa paggawa ng siomai at longganisa.

Ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP para sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga PWUDs sa lipunan, kasabay ng pagbibigay sa kanila ng oportunidad na magkaroon ng mapagkakakitaan.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita ng pangako ng PNP at TESDA sa pagbibigay suporta sa pagbangon ng bawat isa mula sa hamon ng buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *