Tubaran, Lanao del Sur- Narekober ang dalawang matataas na kalibre ng baril ng mga awtoridad sa Barangay Malaginding, Tubaran, Lanao del Sur nito lamang Setyembre 22, 2023.
Napag-alaman na nagkaroon ng sagupaan ang mga kasundaluhan laban sa mga miyembro ng Daulah Islamiyah na nagresulta sa pagka-rekober ng isang rocket-propelled grenade at isang M1 Garand rifle.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan ng kooperasyon sa lahat ng mamamayan upang matuldukan ang terorismo at insurhensya sa ating bayan na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran.