Sumailalim ang 40 kapulisan mula sa iba’t-ibang bahagi ng Northern Mindanao sa 1-Day workshop ng Content Creation at News Writing Seminar na ginanap sa Multi Purpose Hall ng Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Setyembre 22, 2023.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa tulong ng Regional Community Affairs and Development Division 10 sa pangunguna ni Police Colonel Reynante Reyes katuwang ang Area Police Command Eastern Mindanao.

Naging guest and lecturer naman si NUP Sheena Lyn M Palconite ng RPCADU 10 at mga miyembro Tri-Media for Peace and and Alliances ng Mindanao.

Itinuro sa mga nakilahok ang mga dapat at di dapat gawin pagdating sa pagpopost sa social media, mga tamang pamamaraan sa pagkuha ng litrato, at paggawa ng dekalidad na social media cards.

Itinuro din ang basic knowledge ng broadcasting at news writing ng Tri-Media Organization for Peace and Alliance o TROPA.

Layunin ng programang ito na madagdagan ang kaalaman ng ating kapulisan pagdating sa Social Media na isang mabilis at high-tech na pamamaraan upang ipakita ang magagandang gawain ng PNP.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *