Sultan Kudarat – Isang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-24 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Jahn Rey”, 21 anyos.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong-buhay kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Patuloy naman ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimula muli kasama ang kanilang sariling pamilya, malayo sa anumang gulo at terorismo dulot ng maling ideolohiya.