Lanao del Norte- Nagsagawa ng Panagtagbo sa Kalinaw Convergence for Peace na may temang โ€œKAPAYAPAAN: Responsibilidad ng bawat mamamayanโ€ sa Camp Bilal, Sitio Korakora, Tamparan, Munai, Lanao del Norte nito lamang Setyembre 26, 2023.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng Pakigdait Inc. katuwang ang Provincial Government ng Lanao del Norte, Munisipalidad ng Munai, at Civil Society ng Lanao del Norte.

Nakiisa rin ang Lanao del Norte Police Provincial Office na pinagunahan ni Police Colonel Sandy Vales, Provincial Director.

Naging Tagapagsalita at Panauhing Pandangal naman si Secretary Carlito G Galvez Jr, Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity.

Layunin nito na wakasan ang insurhensiya sa buong Pilipinas at mabigyan ng solusyon ang mga problemang panlipunan sa pamamagitan ng Whole of Nation Approach o convergence ng bawat ahensya ng gobyerno.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *