Dalawang babae ang na-rescue mula sa illegal recruitment sa Mapun, Tawi-Tawi noong ika-25 ng Enero 2025.

Ayon sa PNP Maritime Group, nabatid na ang dalawang babae ay balak sanang dalhin sa Malaysia sa pamamagitan ng backdoor route dahil pinangakuan ng trabaho ng isang kamag-anak sa Malaysia kahit walang travel authority at mga kinakailangang dokumento para magtrabaho sa ibang bansa.

Ang mga nasagip na biktima ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Mapun Municipal Social Welfare and Development Office para sa counselling.

Patuloy ang PNP Maritime Group sa pagsiguro na walang Pilipino ang magiging biktima ng anumang uri ng pang-aabuso at iligal na aktibidad tungo sa pagkamit ng kaunlaran ng ating bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *