Matagumpay na isinagawa ang Community Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City na ginanap sa Sitio Nopol, Brgy. Mabuhay, General Santos City nito lamang Pebrero 1, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City kasama ang Philip Morris International, Pulong Lim bilang Pinuno ng Indigenous People at Regional Police Community Affairs and Development Unit 12 na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

Mahigit 100 na miyembro ng Indigenous People sa nasabing barangay ang nakatanggap ng bigas at food packs.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang ugnayan at tiwala sa pagitan ng pulisya at mga katutubo.

Tinutugunan nito ang pangangailangan sa seguridad at kabuhayan habang iginagalang ang kanilang kultura at karapatan sa pamamagitan ng programang ito, naisasagawa ang mas epektibong pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga pamayanang katutubo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *