Pinasinayaan ang anim na bagong silid-aralan at karagdagang pasilidad ng Filipino-Chinese Friendship Elementary School sa Calaanan, Canton, Cagayan de Oro City noong Pebrero 7, 2025.
Dinaluhan ang simpleng seremonya ni Cagayan de Oro City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, mga opisyal ng DepEd, at mga lider ng Federation of Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FCCCI).
Bukod sa anim na bagong silid-aralan, nagkaroon din ang paaralan ng isang covered court, isang gate, at entrance walls.
Pinangunahan ni Mayor Klarex ang ceremonial ribbon cutting kasama sina FCCCI President Dr. Cecilio Pedro at DepEd West II District Supervisor Dr. Shirley A. Merida, na kumatawan kay Schools Division Superintendent Dr. Angelo E. Gazo.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng mas maayos at de-kalidad na pasilidad ang mga estudyante upang mas mapabuti ang kanilang edukasyon at makamit ang pangarap sa hinaharap.
