Ibinida sa 3-Day Trade Expo ang mga lokal na produkto na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Panabo nito lamang Marso 9, 2025.
Ang Trade Expo ay hindi lamang nagbigay daan upang mapalago ang mga negosyo sa lugar kundi nagbigay din ng pagkakataon sa mga lokal na negosyante na maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.

Kasama sa mga ipinagbibili ang mga kakanin, desserts, ready-to-cook meals, prutas, gulay, rekado, processed goods, at mga merchandise, na lahat ay nagpapakita ng mayamang kultura at likas na yaman ng Panabo.

Sa huling araw ng expo, ginanap ang balloon making at flower arrangement workshop, na naging malaking tulong sa mga kalahok, lalo na sa mga nagnanais magsimula ng kanilang sariling negosyo.

Ito rin ay isang magandang pagkakataon upang suportahan ang mga maliliit na negosyo at matulungan silang magtagumpay sa kanilang mga pagsusumikap.

