Daang-daang mga kandidato ng Lanao del Norte para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 ang nakiisa sa unity walk at covenant signing na ginanap sa Covered Court, Campong, Pantar, Lanao del Norte nito lamang, Oktubre 12, 2023.

Layon ng aktibidad na pinangunahan ng Lanao del Norte Police Provincial Office at Commission on Elections (COMELEC) na tiyakin ang pakiisa ng mga kandidadato para sa isang malinis, ligtas, payapa, maayos na halalan.

Pinangunahan ni Police Major Randy A Pontanes, Officer-In-Charge at Police Major Rustico Galgala Jr, Officer-In-Charge, Provincial Intelligence Unit, Lanao del Norte Police Provincial Office.

Nakiisa rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa naturang aktibidad.

Ang naturang programa ay may layunin isulong ang pakikiisa para sa pagitan ng mga kandidato at botante na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan para sa Barangay Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa darating na Oktubre 30, 2023.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *