Buhay na buhay parin ang kultura ng Indigenous People ng Hilagang Mindanao matapos ang pagsagawa ng taunang “Panalawahig Ritual”, kung saan nag-aalay ng panalangin sa guardian of water na kung tawagin ay “Apu Bulalakaw.”
Ito ay taon-taon pinagdiriwang kung saan ang mga miyembro ng Indigenous People Na Talaandig Tribe ay nag-aalay ng barya, itlog, at native na manok na sumisimbolo ng pasasalamat sa lahat ng biyaya na handog mula sa Alanib river.

Ang pagsamba na ito ay ay isinasagawa upang magkaroon ng masaganang pamumuhay, mabuting kalusugan at kaligtasan ng bawat miyembro ng IPs.
Bukod dito ang “Panalawahig Ritual” ay paghingi ng kapatawaran, pagtaboy ng malas at masamang elemento.
Patunay na sagana sa kultura at tradisyon na tahanan ng 7 tribu na Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon.