Nagsagawa ng “Pamuhat” Ritwal ang Indigenous People (IPs) na ginananap sa Sitio Cabayugan, Barangay Laligan, Valencia City, Bukidnon nitong umaga ng Lunes, Oktubre 17, 2023.
Nanguna sa naturang ritwal si Datu Glen Ray Pastrano, Bae Leonisa Campus, Revitalized Pulis sa Barangay Valencia City, at 48 Infantry Battalion.
Ang “Pamuhat” ay ritwal na ginagawa ng mga nakakatanda o mga datu (lider) ng Tribo ng Higaonon sa Bukidnon. Ito ay ritwal ng paghingi ng proteksyon at magandang kapalaran para sa taong binibigyan nito.
Ang ritwal na ito ay isinasagawa bago pumasok sa isang lugar o kagubatan upang humingi ng permiso sa mga nilalang na hindi natin nakikita ngunit kasama natin sa araw-araw.