Idinaos ang Women’s Congress at mahigit 3,000 kababaihan mula sa mga bayan ng Magsaysay, Talisayan, Medina, at lungsod ng Gingoog ang nagtipon bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng National Women’s Month nito lamang ika-24 ng Marso 2025.

Nagkaroon ng isang dance contest na isinagawa sa mga kababaihan mula sa iba’t ibang lugar, at ito’y naging isang masayang pagdiriwang para sa lahat.

Ang lungsod ng Gingoog ang nagwagi bilang kampyon, na nakatanggap ng P25,000.00 samantalang ang Talisayan ang naging 1st placer at nakatanggap ng P20,000.00. Ang Medina ay nag-uwi ng P15,000.00 bilang 2nd placer, habang ang Magsaysay naman ay nakatanggap ng P10,000.00 bilang consolation prize.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Ipagahum mga Kababayen-an Padayon, Paglaum sa Hayag na Kaugmaon.”

Samantala, nagkaroon din ng raffle draw kung saan maraming kababaihan ang nanalo ng cash prizes, na mas lalong nagpasaya sa mga dumalo sa kaganapan.

Layunin ng Women’s Congress na bigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan sa probinsya, at itampok ang kanilang mahalagang papel sa komunidad at sa pagbuo ng isang mas progresibong komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *