Hatid ng bagong programa ng Department of Tourism (DOT) Region 9 ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen sa Zamboanga Peninsula nito lamang ika-21 ng Marso 2025.

Ibinahagi ng DOT-9 sa ginanap na Regional Episode ng Kapihan sa Bagong Pilipinas ang isa sa mga programa na inaasahang magtuloy-tuloy ngayong taon para sa mga senior citizens.

Ayon sa Supervising Tourism Operations Officer ng DOT-9 na si Miss Giselle Machutes, ang Tourism Wellness Program for Senior Citizens ay inilunsad noong nakaraang taon kung saan naging pilot city nito ang Zamboanga City.

Aabot sa 80 mga senior citizens mula sa Barangay Bolong, nitong lungsod ang naserbisyuhan ng programa sa pamamagitan ng mga libreng serbisyong pangkalusugan kasama ang Department of Health, City Health Office at Office for the Senior Citizens Affairs (OSCA).

Ngayon taon ay inaasahan na ilulunsad ang kaparehong programa sa probinsya ng Zamboanga Sibugay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *