Masayang ipinagdiriwang ng daan-daang kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ng Mati, Davao Oriental ang Women’s Month 2025.
Ang pagtitipong ito ay isang selebrasyon na nagpapakita ng talento, masiglang kultura, kasiyahan, at pasasalamat bilang pagdiriwang at pagpaparangal sa mahalagang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.

Nagsilbing highlight ng selebrasyon ang mala-festival na Sayaw Bobay neo-ethnic dance competition na may 24 na entries mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Ang mga pagtatanghal ay nagpakita ng iba’t ibang etnikong grupo sa probinsya, na nagpapakita rin ng mga kwento ng kanilang kultura, tradisyon, at kabuhayan ng mga kababaihan ng Davao Oriental.

Pinangunahan naman ni Davao Oriental Governor Niño S. Uy, ang naturang pagdiriwang, binigbigyan-diin sa kanyang talumpati ang kanyang malaking suporta sa gender inclusivity at gender equality sa probinsya.
