Idinaos ang groundbreaking at signing para sa Inter-Local Agency Partnership (ILAP) sa Sitio Talaganahaw, Barangay Talo-ao, Buenavista, Agusan del Norte nito lamang Marso 21, 2025.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Governor Ma. Angelica Rosedell M. Amante ng Agusan del Norte at Mayor Joselito T. Roble ng Buenavista, mga iba’t ibang sektor ng lipunan, AFP at PNP.

Ang aktiidad ay bahagi ng proyektong pabahay para sa Friends Rescued (FR), na naglalaan ng ligtas at maayos na tirahan para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan at layon nitong bigyan ng bagong simula, matiyak ang seguridad, at maiwasan ang muling pagsali sa armadong kilusan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *