Umarangkada ang Lokal na Pamahalaan ng Dapitan, Zamboanga del Norte sa pamamahagi ng tulong sa mga residente sa pamamagitan ng Serbisyo Bilis sa Barangay (SBB) noong ika-20 ng Marso 2025.
Nasa 162 na mga indibidwal sa barangay Santo Niño, ang sumailalim sa libreng medical consultation at nakatanggap ng libreng gamot at bitamina.
22 indibidwal naman ang sumailalim sa libreng dental services habang 37 ang nakinabang sa libreng tuli sa pangunguna ng City Health Office o CHO.

Nasa 406 na mga pamilya ang nabigyan ng tig-limang kilo ng bigas at ilang senior citizen ang nabigyan ng quad cane mula sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO.
Maliban pa dito, ang Civil Registrar Office, naman ay tumulong para sa late registration ng iilang residente habang ang City Agriculture Office ay namahagi ng mga pataba sa lupa, vegetable seeds at livestock vitamins para sa mga magsasaka.
Ilan lamang ito sa mga serbisyong naipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Dapitan at aasahang sa mga darating na araw ay makikinabang sa kaparehong serbisyo ang iba pang mga barangay ng lungsod.
Photos by: City Government of Dapitan
