Ang Kaamulan Festival ay isang taunang pagdiriwang ng mga taga pitong tribu ng probinsya ng Bukidnon tuwing Marso hanggang Abril bilang bahagi ng foundation anniversary ng Bukidnon.

Ito ay isang authentic ethnic festival na nagpapakita ng mayamang kultura, tradisyon, at pamana ng pitong tribo ng Bukidnon. Ito ay ang tribong Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon.

Ang salitang“Kaamulan” ay nagmula sa salitang binukid na nangangahulugang “pagtitipon” o “pagkikita-kita” ng mga tribo para sa iba’t ibang okasyon tulad ng kasal, pagtatalaga ng datu, o iba pang mahalagang selebrasyon.

Ang mga isinasagawa tuwing magkakaroon ng selebrasyong ito ay ang pagkakaroon ng Street Dancing at Cultural Performances na ipinapakita ang tradisyonal na mga sayaw, kasuotan, at kultura ng mga tribo.

Ikalawa ay ang pagkakaroon ng Ethnic Sports Competition, na kung saan ito ay paligsahan sa mga tradisyonal na larong katutubo. Mayroon ding Agri-Fair at Livelihood Exhibits na ipinapakita ang mga lokal na produkto ng Bukidnon.

Higit sa lahat ay ang kanilang ginagawang ritwal at seremonya na pagpupugay sa kultura at pamana ng mga tribo.

Ang Kaamulan ay hindi lamang isang selebrasyon ng kasaysayan ng Bukidnon, kundi isang pagkilala rin sa pagkakaisa ng mga tribo at kanilang kontribusyon sa tradisyon at kultura.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *