Ipinagdiwang ng Lungsod ng Malaybalay ang ika-27 Charter Day kung saan binigyang-diin ang kasaysayan, pag-unlad, at progreso ng lungsod noong ika-24 ng Marso 2025 sa San Isidro Gym, Malaybalay City, Bukidnon.

Pinangunahan ni Mayor Jay Warren R. Pabillaran, ang pagdiriwang kasama ang mga opisyal ng lungsod, mga pinuno ng barangay, at mga kawani ng lungsod.

Sa kanyang State of the City Address, inilathala nito ang positibong paglago ng ekonomiya ng lungsod, kung saan iniulat niya ang lokal na kita na umabot sa ₱248 milyon, halos ₱2 bilyon sa national tax allocation, at ₱235 milyon na natipid sa pamamagitan ng transparency sa competitive bidding sa nakalipas na tatlong taon.

Binanggit din ng alkalde ang patuloy na pagtutok ng lungsod sa imprastraktura at serbisyong panlipunan.

Kasama rito ang mga proyekto para sa kaligtasan sa kalsada, mas pinahusay na serbisyong pangkalusugan tulad ng PhilHealth e-Konsulta, tulong medikal, at pagsasaayos ng 118 day care centers para mapabuti ang maagang pag-unlad ng mga bata.

Pinuri rin niya ang Tebow Cure Hospital para sa kanilang serbisyo sa 137 na pasyente, na nagpapakita ng dedikasyon ng lungsod sa pagbibigay ng inklusibong serbisyo.

Nanatiling prioridad ang edukasyon, kung saan ₱30 milyon mula sa lokal na buwis sa ilalim ng Special Education Fund ang inilaan para sa kapakanan ng 56,000 na mga mag-aaral.

Nanawagan si Mayor Pabillaran para sa pagkakaisa at tapat na paglilingkod, hinihimok ang lahat na ipagpatuloy ang progreso ng lungsod. Kinilala rin niya ang mga dating pinuno na naglatag ng matibay na pundasyon para sa Malaybalay at nagbigay-inspirasyon sa lahat na magpatuloy sa pag-unlad sa ilalim ng panawagang “Saka Ta, Malaybalay!”

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *