Handog ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Klarex Uy, ang relief operation para sa mga biktima ng sunog sa Villa Radoc, Manggahan, Barangay Balulang, Cagayan de Oro City noong ika-26 ng Marso 2025.
Agad na nakatanggap ng tulong ang 53 indibidwal mula sa City Social Welfare and Development Department (CSWD) at Barangay Balulang Council.
Kabilang sa mga ayuda na ipinamahagi ay mga assorted canned goods, bigas, kitchen utensils, kumot, banig, at mga gamit para sa pagtulog.
Nagbigay din si Mayor Klarex Uy, ng emergency assistance na kinabibilangan ng limang kilo ng bigas, kaldero, at solar lamp upang matulungan ang mga biktima sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Samantala, nag-set up din ng community kitchen ang Barangay Balulang Council na nagluto ng mainit na pagkain tulad ng arrozcaldo, upang magbigay ng sustansya at ginhawa sa mga apektadong pamilya.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa Barangay Police Outpost na matatagpuan sa harap ng Balulang Elementary School.
Sa kabila ng mga pagsubok, nagpapasalamat ang mga biktima sa mabilis at tapat na pagtugon ng lokal na pamahalaan at ng Barangay Balulang Council.
Ang mga tulong na natanggap ay nagbigay ng pag-asa at suportang moral sa kabila ng kalamidad na kanilang naranasan.