Isinagawa ang Political Candidates Forum at Peace Covenant Signing sa Camp Colonel Romeo Abendan, Mercedes, Zamboanga City nito lamang ika-3 ng Abril 2025.

Ito ay dinaluhan nina Atty. Ray F. Sumalipa, RED, COMELEC- BARMM; at Atty. Renaul C Macarambon, RED, COMELEC- Region IX katuwang ang PRO BAR PNP, Armed Forces of the Philippines; Philippine Coast Guard; Philippine Marines at Local Government Unit.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong maitaguyod ang mapayapa at maayos na halalan sa darating na eleksyon sa rehiyon.

Dumalo din sa forum ang mga tumatakbong kandidato para sa lokal na posisyon, mga lider ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi Province.

Bahagi rin ng programa ang paglagda ng Peace Covenant, kung saan nangako ang mga kandidato na magpapanatili ng kapayapaan, igagalang ang resulta ng eleksyon, at iiwas sa paggamit ng karahasan o pananakot laban sa kanilang mga kalaban sa politika.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagkaisa ang mga dumalo sa panawagang gawing inspirasyon ang halalan upang maitaguyod ang Bagong Pilipinas—isang bansa kung saan namamayani ang kapayapaan, pagkakaisa, at malinis na pamamahala.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *