Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IX sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division ang unang yugto ng Project Lawa at Binhi sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-2 ng Abril 2025.

Sa ilalim ng cash-for training and work (CFTW) program ay makakatanggp ng minimum na pasahod ang partner-beneficiaries sa loob ng 20 araw habang sinasanay ang mga ito patungkol sa climate-resilient na pagsasaka.

Maliban sa tulong pinansyal na natanggap ng mga benepisyaryo, ay nalinang din ang kasanayan at kapabilidad ng mga ito na magpalago ng mga pananim para sa pangmatagalang food security.

Layunin ng naturang proyekto na matugunan at mabawasan ang gutom at kahirapan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng water accessibility at sustainable agriculture sa gitna ng nagbabagong panahon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *