Namahagi ng mga semilya ng bangus at sugpo ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office IX (DA-BFAR RO IX) sa ilang mga fishpond operator sa probinsya ng Zamboanga Sibugay nito lamang ika-5 ng Abril, 2025.
Aabot sa 100,000 bangus fry at 500,000 shrimp fry ang ipinamahagi ng ahensya sa 48 benepisyaryo mula sa iba’t ibang munisipalidad sa nasabing probinsya.
Layunin nito na matulungan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagsulong ng sustainable fish farming at mapaganda ang aquaculture production sa rehiyon.
