Handog ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang libreng serbisyo sa pamamagitan ng PhilHealth Caravan at Medical Mission sa mga magsasaka sa Barangay Bunguiao, lungsod ng Zamboanga noong Abril 6, 2025.
Kasama ng PhilHealth ang National Irrigation Administration o NIA ZAMBASULTA Regional Sub-Office, na naghandog ng libreng konsultasyon sa doktor at mga gamot sa nasa 150 mga farmer-beneficiary sa nasabing barangay.
Maliban dito, nagkaroon din ng oryentasyon ang ahensya kasama ang mga magsasaka patungkol sa mga benepisyo at serbisyo ng PhilHealth, at libreng pagpapatala para sa mga bagong miyembro.
