Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang City Government ng Iligan sa Barangay Santiago, Iligan City nito lamang umaga ng Biyernes, Oktubre 20, 2023.

Nanguna sa clean-up drive ang Iligan City Cooperative Development Council (ICCDC), at Bureau of Jail Management and Penology 10.

Umabot sa 12 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang nakuha mula sa aktibdad.

Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang sa Business Month, ICT, Science and Technology and Cooperative Month.

Patuloy ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad upang mapanatili ang kalinisan ng kalikasan at maiwasan ang banta ng climate change.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *