South Cotabato – Nauwi sa barilan ang paghahain ng warrant of arrest ng mga awtoridad laban sa isang Most Wanted Person sa Purok 4 Amgoo, Brgy Landan, Polomolok, South Cotabato nito lamang ika-22 ng Oktubre 2023.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “Roberto”, na itinuturing na Top 9 Regional Most Wanted Person para sa kasong Murder, Frustrated Murder at Arson.

Sa report ng awtoridad, nang maramdaman ng suspek ang pagdating ng mga operatiba ay agad na nagpaputok ang suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad na kung saan nagtamo ng tama ng bala ang suspek na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Patuloy ang panawagan ng South Cotabato PNP sa mamamayan na e report sa kanilang tanggapan ang mga kahina-hinalang tao sa paligid at mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling tahimik at payapa ang ating komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *