Bilang paggunita sa araw ng Biyernes Santo, sa ganap na ika-12 ng hating gabi ay gaganapin ang prusisyon sa Poong Jesus Nazareno.

Pagsapit ng ika-12 ng tanghali ay gaganapin ang SIETE PALABRAS o ang Pagninilay sa Pitong Huling Wika ng Panginoong Jesus Nazareno.

Susundan naman ito ng Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon o ang VENERATION OF THE CROSS sa ganap na ika-3 ng hapon. Muli po ito ang ikalawang araw ng pagdiriwang ng Banal na TRIDUO.

Matapos nito sa ganap na ika-5 ng hapon ay gaganapin ang Prusisyon ng Paglilibing o ang SANTO ENTIERRO kasama ang mga imahe ng Mater Dolorosa at ni San Juan Apostol.

Credits to Quiapo Church Facebook

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *