Sultan Kudarat — Tiklo ang isang 24-anyos na lalaki matapos lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban sa Brgy. Malegdeg, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang Sabado, Oktubre 21, 2023.
Ayon s ulat ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station, habang sila ay nagsagawa ng COMELEC Checkpoint ay kanilang nahuli ang suspek na si alyas “Rizaldo”, residente ng Brgy. Tinalon, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat dahil sa dala nitong isang homemade caliber 5.56 na may kasamang magazine at 20 bala.
Nabigo ang suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento dahilan upang arestohin para sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay sa Comelec Gun Ban.
Patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na sumunod sa batas upang maiwasan magkaroon ng kaso at masiguro ang tahimik at payapang halalan ngayong darating na Oktubre 30, 2023.