Cagayan de Oro City- Isinagawa ang Simultaneous Multi-Agency Send-Off and Turnover Ceremony of Security Forces and Resources for the 2023 BSKE ng Police Regional Office 10 sa Grandstand Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023.
Nanguna sa aktibidad si Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr, Regional Director, Police Regional Office 10, kaagapay ang Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG).
Aabot sa 900 kapulisan mula sa Regional Standby Support Force (RSSF), Civil Disturbance Management (CDM), Special Action Force (SAF), Special Weapons and Tactics (SWAT), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), at iba pang personahe mula sa National Operation Suppport Unit ng Police Regional Office 10 ang ikakalat sa buong rehiyon.
Kabilang na dito ang 100 kapulisan mula sa RMFB 10 na ma-assign sa Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) upang mas mapalakas ang police presence sa lugar.
โNgayon ang oras at pagkakataon para sa atin na ipakita sa sambayanang Pilipino ang pagkakaisa at dedikasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, na may pangunahing layunin na siguruhin ang tagumpay at mapayapang pagpapatupad ng halalan ng Republika ng Pilipinas,โ pahayag ni PBGen Layug.