South Cotabato – Tiklo ang dalawang magsasaka dahil sa ilegal na baril at mga bala sa ikinasang search warrant ng mga awtoridad sa Purok Mabuhay, Brgy. Magsaysay, Polomolok, South Cotabato nito lamang ika-23 ng Oktubre 2023.
Kinilala ang dalawang naarestong suspek na sina alyas “Ronald”, 42, walang asawa; at alyas “Marilyn”, 43, widow, at kapwa residente ng nasabing lugar.
Narekober ang isang homemade 20 gauage pistol na may kasamang isang bala, 50 na live ammunition ng Cal. 45 at tatlong bala naman ng Cal. 9mm.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.